Volume I Version I   ☼   Today is 

Home Directory Community History Galleries Contact Us
 

 

 

PAGBUBUKAS NG SINODO

Sa awa ng Diyos at kagandahang loob ng Santa Sede, bilang tanda ng pagmamahal ng pastol sa kawang ipinagkatiwala ng Diyos, ako, ang Obispo ng Balanga, sa bisa ng kapangyarihang kaloob ng Diyos at ng Simbahan, ay buong galak na nagpapahayag ng pagbubukas ng Unang Sinodo ng Balanga.

Great Amen Sung by choir

PLENARY INDULGENCE

 

Kamahal-mahalang Ama,

Si Socrates B. Villegas, Obispo ng Balanga, taglay ang marubdob na pagsinta at matimyas na pangangalaga sa kaparian at Bayan ng Diyos na nakatagubilin sa kanyang pangangalaga, ay buong kababaang loob at kalagalakang ipinababatid sa Kamahal-mahalang Santo Papa na ang Unang Sinodo ng Diyosesis ng Balanga ay gaganapin simula ikaanim hanggang ikalabimpito ng Marso, sa ikapagtataguyod ng Simbahan at sa kaluwalhatian ng Diyos.

 

Buong pagtitiwala sa awa ng Diyos, habang inaalala ang mga mabathalang bunga ng Taon ng Eukaristiya sa diyosesis na nabanggit, ang kagalang-galang na Obispo ay nagnanais na ang maringal na pagdiriwang na ito ay makapaghatid ng pag-unlad sa buhay pananampalataya at pagpapatotoo ng Kristiyano.

 

Upang ang dakilang hangarin ng layuning ito ay maihatid sa nararapat na kaganapan, ang biyaya ng indulhensiya na buong pagtitiwalang isinasamo, ay tunay na magiging katibayan ng pagmamahal ng Kamahal-mahalang Santo Papa na siyang nagsisilbing lakas sa Diyosesis at nagpapatibay pa ng bukluran sa Banal na Papa at sa pinuno ng simbahan.

 

Kaya nga ngayong ikalabimpito ng Pebrero, ang Penitentiaria Apostolika, sa bisa ng kautusan ng Kataas taasang Papa, ay buong kagandahang loob na naggagawad ng INDULHENSIYA PLENARIA, ayon sa pangkaraniwang tuntunin—pagkukumpisal, pagkokomunyon, at panalangin para sa Santo Papa—ayon sa pinagtibay na ritu, sa lahat ng mananampalataya na nagsisisi ng kanilang kasalanan, dadalaw sa Katedral ng Balanga at doon ay makibahagi sa banal na liturhiya o kaya ay mag-aalay ng gawaing pangkaluluwa para sa ikatatagumpay ng Sinodo simula ikaanim hanggang ikalabimpito ng Marso.  Maaari ring sumamba at magbantay sa banal na Sakramento at magnilay  sa mga araw na nabanggit, dasalin ang Ama Namin at Sumasampalataya ayon sa pinagtibay na paraan , mamintuho sa Mahal na Ina at manalangin para sa tagumpay ng Sinodo nang may pusong nagtitika upang makatanggap ng INDULHESIYA PARSYAL.

 

Nilagdaan

 

JAMES FRANCIS CARDINAL STAFFORD           

John Francis Girotti, OFM Conv

Rehente, Penitentiaria Mayor

 

 

Home Directory Community History Galleries Contact Us

 

* Best viewed with | With 800x600 resolution for better results. | ®All Rights Reserved Diocese of Balanga 2004

Comments, suggestion & Inquiries email the webmaster