|
|

New York
Reflections
By Fr. Jun
Villanueva |
UMAGANG KAY GANDA
Hulyo 20
Sabi ko na nga ba, sisikat ang araw
Kahi't sinabi nilang uulan at kikidlat
Kahi't maraming nagmura sa kanilang dala-dala
Payong, jacket at kapote.
Akala kasi ay sapat na
Ang kaligtasan ay dala niya
Uncle Sam ang pangalan niya
Ang kaharian ay hawak niya.
Aasa sa mga psychic sa bangketa
Sa dasal na parang express-padala
Kung walang sagot bukas, goodbye na
Aasarin ka pa, at pagtatawanan pa.
Bilang sa daliri ang tunay na tao
Bilang sa daliri ang kaibigan mo
Bilang sa daliri ang kakampi mo
Bilang sa daliri ang dadamay sa iyo.
Maging handa, matatag at mapanuri
Sino ka naman para bigyan ng papuri;
Kung hindi dahil sa teknolohiya
May gaganda pa sa bayang sinilangan?
Kapag nagalaw mo ang tubig ng ilog nila
Nalindol ang bundok ng isip nila
Nauga ang haligi ng puso nila,
Ah, may umagang kay ganda!
More Reflections
|
|