|
|
ULAP
Maraming ulap Natakpan ang mukha ng langit Na dati nang nakatago sa mga gusali; Hindi sapagka’t maraming gusali Kaya hindi makita ang langit Kundi laging nagmamadali Sa pagdaan ng mga tren sa subway Baka maiwan ka o kaya ay madumog Kaya walang langit Hindi sapagka’t maraming ulap o gusali, Ang sa kanya ay nakatakip Sadyang ang lahat ay nagmamadali Sa kung anu-anong dahilan.
Maraming luha Hindi sapagka’t nalulungkot ka O nagmamakaawa Kundi sa yamot at mga nakakubling galit Sa mga hindi malayang hindi-ko-alam-kung-bakit Nasa bansa ka pa naman ng malaya (daw) Hindi ka maaring sumigaw Na muling nasasaktan ang Birhen Sa loob ng simbahang parang librong naka-aparador Na pinupunas-punasan lamang Tulad ng lumang litrato ng mga sundalo ng digmaan;
Maraming boses ang ayaw lumabas Hindi sapagka’t pipi ka o utal Kundi, muling mahuhubaran ang kampana Muling makikita ang dugo sa krus At ang luha ni Hesus.
Ah, maraming ulap Sa simula ng tag-araw.
Hunyo 8, 2006
|
* Best viewed with
| With 800x600 resolution
for better results. | ®All Rights Reserved Diocese of Balanga 2004
Comments, suggestion & Inquiries email the webmaster