|
|

New York
Reflections
By Fr. Jun
Villanueva |
TAKOT
Setyembre 13, 2005
Bakit takot sila kay John Roberts?
Kasi konserbatibo daw at Katoliko.
Sabi ng ilan, mahirap daw dito
Ang pagsabayin ang pagiging Amerikano at Katoliko.
May mga gustong magpakasal
Kahi't pareho ang kasarian
Kalayaan daw nila ito;
May mga gustong ibasura
Ang mga nasa sinapupunan
Kalayaan daw nila ito.
May mga gustong magpari
Sabi ng mga babae
Kalayaan at Equality daw ito;
May mga gustong magpalit ng asawa
Kahi't ilang beses,
Kalayaan daw nila ito.
Ang lahat ay bahagi daw ng American Dream
Ang lahat ay kontra daw sa Katoliko
Kaya takot sila kay John Roberts
At kahi't na sa bagong Santo Papa
Kaya pipiliin na lang nilang magtayo
Ng sariling relihiyon
O kaya ay wala na lang nito
Sa ngalan daw ng kalayaan.
Asahan natin
Sa mga darating na araw
Pag-uusapan pa rin ito -
Sa ngalan din ng kalayaan.
Pero, teka,
Marami pa ring Amerikano
Ang nananatiling Katoliko.
More Reflections
|
|