|
|
SOPHISTICATED NA SI ANASTACIA
Naalala n’yo pa si Anastacia Hindi pala Anastacia, Kundi – Aneys-tey-sha (Sha as in bours-swa!) Sophisticated na sha Pati ang rosario nya Mala-flashlight na parang starwars Na berdeng ilaw na kukurap-kurap Kaya ayaw niya sa liwanag magrosaryo Kasi walang epekto ang rosaryo Kailangan sa medyo madilim, At bigla niyang bibitawan ang rosaryo Sabay ang ilaw nito na parang bituin Sa madilim na gabi, At palagay ko, sa madilim na kaisipan, din. Tinginan ang mga kapwa deboto ng Birhen Sa babaeng may rosaryong ala starwars.
Nakipag-away pa siya Nang maunahan siya sa paboritong puwesto Doon ko nalamang kailangan niya ang kaunting dilim Para kuminang ang rosaryo niya Sayang daw kasi kung hindi makita ang ilaw nito.
Siya si Aneys-tey-sha Sophisticated talaga!
21 Hunyo 2006
|
* Best viewed with
| With 800x600 resolution
for better results. | ®All Rights Reserved Diocese of Balanga 2004
Comments, suggestion & Inquiries email the webmaster