Volume I Version I   ☼   Today is 

Home Directory Community History Galleries Contact Us
 

 

Reflections

ANG BIRHEN SA LIKOD NG PHILIPPINE PASTORAL CENTER
MGA PAA, MGA PANGARAP
ISANG IBON, DALAWANG IBON, MARAMING IBON
LINGGO
KUWENTUHAN
SUBWAY
IBA PALA ANG ENGLISH DITO...
ROMANTIKO
NAKITA KO ANG MATA NI JUAN...
SIMBAHAN
PILIPINO
PARAISO
UYAYI
BASURA, At Iba Pa...
ORASYON
SA KANDUNGAN NG IMAHEN
PADRE

 

NEW YORK REFLECTIONS # 7

IBA PALA ANG ENGLISH DITO...

Minsan pumunta ako sa pharmacy
Para bumili ng gamit sa sipon
Pagpasok ko,
Isang malaking negrang itim ang nasa bungad
(Kasi may mga negrang maputi ang mukha
Pero maitim na ang leeg pababa -
Aba, nag likas-papaya yata
At nag-ambisyon pang pumuti,
O kaya nag pulbos ng harina) -
Habang papalapit ako sa kanya
Nakita ko ang mga matang singlaki ng strawberring hilaw;

"What is good for running nose?"
Sabi ko pang patula
Isang dumadagundong na "TIE IT" sagot niya;
Akala ko ay short cut ng gamot -
Tulad ng tylenol o kung ano pa,
Pero para sigurado
Nagtanong ulit ako
At muli isang malakas na "TIE IT" sagot niya
At may dagdag pa -
"TIE IT SO IT WON'T RUN!"

Ako ang nag-run
Sa hiya at sa yamot
Aba, akala ko ay marunong sila ng mga tula
Ni Shakespeare o Allan Poe kaya,
Iba pala ang English dito
Ang nasabi ko sa aking sarili,
Sabay tingin sa kapaligiran
Habang isang buntis ang sa aki'y nakatingin
Bitbit ang malaking kahon ng Aspirin.

Sa Ports Authority naman
Na terminal ng mga sasakyan
Isang umagang kayganda
Muntik na namang masira.
Sabi ko sa nagtitinda
Ng mga tiket at kung anu-ano pa,
"Round trip ticket to Woodbridge, please..."
Na may kasamang isang simpleng ngiti
"What will you do there, boy?" sabi niya
"Am visiting my friends..."
"What?  You've got friends there?" malakas na sabi niya
"Ya, am a priest, am visiting a priest?"
"So what?" Get your ticket there!" sigaw niya
Ewan ko, born again yata;

Mag-ingat ka sa kanilang pag-nganga
Kasi may libreng laway ang english nila
Mala panis na snow sa kalsada
At iba pang estorya
Kapag kausap mo sila.

Iba pala english dito
Bawa't salita may dalang pangamba
Baka iba ang intindi nila
O kaya naman ay sinsasadya
Kapag nakita ka nilang
Ika'y tatanga-tanga...

 

 

 
Home Directory Community History Galleries Contact Us

 

* Best viewed with | With 800x600 resolution for better results. | ŽAll Rights Reserved Diocese of Balanga 2004

Comments, suggestion & Inquiries email the webmaster