|
|
NEW YORK REFLECTIONS
#5
KUWENTUHAN
Nagsimulang magkuwentuhan
Matagal na daw sa Manhattan
Mga kababayang nag-englisan
Minsan, trying hard naman.
Hindi maintindihan, kung P o F ba talaga
B o V, kaya't ang foods at poods
Ang basement ay vasement
Hahaluan pa ng "you see" at "aha"
O kaya'y "wanna shit here?"
Iyon pala ay "wanna sit here?"
Bakit kaya di na lang magtagalog
O siguro talagang may indayog
Ang boses at tinig
Kung english ay maririnig?
Sabi niya "did you make tikim na the ulam?"
At minsan ay "are you done na?"
Akala mo tuloy, pansit at luglog
na sa mantika'y nakalubog.
Hala
Di bale na ang grammar
Sa classroom lang naman iyan
Basta mahalaga
Sila'y magkakasama.
Pangungusap na maraming "tawa"
Di kaya naman ay "hey" o "aha"
Ang aray ay "ouch"
Pero nang mahulog ang pinggan
Malutong na mura
Di pala nakalimutan.
Mahahabang goodbye
Simula kusina hanggang pintuan
Hanggang sasakyan
Aba, expedition pala
Bago isara, kakaway muna...
Hay, kuwentong pinoy
Walang kasing saya!
|
|