|
|
NEW YORK REFLECTIONS
#15
ORASYON
Orasyon,
Ano iyon?
Uri ba ng ibon?
Kung gusto mong gumanda
Tayo na sa klinika
At tiyak gaganda ka.
Kung gusto mong umiyak
O kaya humalaklak
May gamot diyan, nagkalat sa daan.
Kung gusto mong mapulang labi
Katulad ni Angelina Joli
Dito napakadali.
Kung ayaw mo ng iyong bilbil
O kaya ang baywang at balikat
May paraan diyan, pwede pang i-credit card.
Pero, orasyon
Ano iyon?
Pwede bang i-text iyon?
Binati ng Anghel si Maria........
|
|