Volume I Version I   ☼   Today is 

Home Directory Community History Galleries Contact Us
 

 

Reflections

ANG BIRHEN SA LIKOD NG PHILIPPINE PASTORAL CENTER
MGA PAA, MGA PANGARAP
ISANG IBON, DALAWANG IBON, MARAMING IBON
LINGGO
KUWENTUHAN
SUBWAY
IBA PALA ANG ENGLISH DITO...
ROMANTIKO
NAKITA KO ANG MATA NI JUAN...
SIMBAHAN
PILIPINO
PARAISO
UYAYI
BASURA, At Iba Pa...
ORASYON
SA KANDUNGAN NG IMAHEN
PADRE

 

NEW YORK REFLECTIONS #10
Hunyo 4, 2005


SIMBAHAN

Sugatan.
Parang babeng nilapastangan
Ng maraming kaluluwang ligaw
Na dati rati'y nakaluhod, luhaan,
Ngayo'y iniwan kang nag-iisa sa daan.

Kakaunti ang sa iyo'y dumadalaw
Mata mo'y laging mapanglaw
Naubos na ba ang sindi ng iyong ilaw
Mga kandilang parang kuwadro na lamang
Mga imahen na nagkukubli sa karimlan?

O kay lungkot.
Kailan ka muling sasaya
At mapupuno ang koro sa pag-awit ng Gloria
Mga munting tinig na natakot, nagtakbuhan
Sa labas ng lunsod patungo sa kung saan...

Kailangan ba ng himala
Upang muling umawit
Ang mga anghel na tila nahiya
Nakatiklop na pakpak
Naglahong mga pangarap
Mga karanasan mo''y kay saklap.

Hanggang kailan Ka diyan sa krus?
Sana muli kang magtampisaw
Sa matabang na karagatan
At muling tumawag
Mga tinig ng kaharian.

Sana muli kang maglakad
Sa kalsada ng buhay
Muling ibangon, muling sindihan
Ang mga kandila
Ng Iyong simbahan.

Kailan?
 

 

 
Home Directory Community History Galleries Contact Us

 

* Best viewed with | With 800x600 resolution for better results. | ŽAll Rights Reserved Diocese of Balanga 2004

Comments, suggestion & Inquiries email the webmaster