|
|

New York
Reflections
By Fr. Jun
Villanueva |

GITNA
(Hango sa Movie Screenplay na "BETWEEN US..."
ni Fr. Jun Villanueva,
(Writers Guild of America - East Reg. No.143004)
May daigdig sa pagitan nating dalawa
Ang tawag ay GITNA;
Dito, ang mga tao ay kung sino sila
Hindi kung sino sana sila.
Dito, kaya mong lumangoy sa iyong mga pangarap
Malaya, walang takot, walang pangamba
Dito ang pula ay pula, ang puti ay puti
Walang kaba, walang alinlangan.
Nakilala muli ni Maureen si Anthony
Nang mamatay ito sa aksidente
Sa bisperas ng kanilang kasal,
Sa pamamagitan ng paglakbay sa GITNA.
Sa paglakbay ni Maureen
Nakita niya ang mga pekeng Gitna
Mga mundong walang damdamin
Hindi iniinda ang sugat, walang kamatayan.
Nguni't sa tunay na GITNA
Ikaw ay totoo, walang pagkukunwari,
Umiiyak kung nasasaktan
Tumatawa kung masaya.
Gusto mong makarating sa GITNA
Sa ngayon at dito ng buhay mo?
Madali lang.
Hindi ba't matapos mong mangumpisal
Ikaw ay nasa GITNA
Ikaw ay totoo sa sarili at sa Diyos?
Ika-5 ng Setyembre, 2006
More Reflections
|
|