Volume I Version I   ☼   Today is 

Home Directory Community History Galleries Contact Us
 

 

 

 

 

New York Reflections

By Fr. Jun Villanueva


BAKA SAKALI
Setyembre 11


Baka sakaling dumating ang Tagapagligtas
Ayon kay Jackson na laging nakatayo sa Times Square
Sa estasyon ng subway patungo sa kung saan-saan -
Depende sa iyong patutunguhan;
Di ko talaga alam ang tunay niyang pangalan
Tinawag lang siyang Jackson ng isang bata.

Pag daan ko tuwing umaga, andoon si Jackson
Nakatingala.
Ewan ko kung hinihintay niya ang pagbagsak ng kung ano sa itaas.
Basta nakatingala siya.
Kasi nagmamadali rin ako
May dalang sariling preno
Kung hindi, baka, masigawan ka o mabundol ka
Ng mga paang parang metrobus na nag-uunahan
(Sabi ko na kasi umalis nang maaga!).

At maririnig mo si Jackson
Sa kanyang malungkot na pagsigaw
Sa pagbabakasakaling darating na ang Tagapagligtas
Ng Estados Unidos.
Sa kamay daw  ng mga terorista.

Sigle lang naman ang daloy ng taong-trapiko
Sa pag-uunahan sa paghanap ng kung aling subway train
Ang magdadala sa mga pupuntahan.
habang ako rin ay pipiliin ko ang express Q train
Upang dalhin ako sa aking patutunguhan sa Union Square.

Kinabukasan, andoon ulit si Jackson
Nagbabakasakaling darating na ang Tagapagligtas.
Kanina, wala siya.
Siguro Linggo.
Nagpahinga marahil sa katitingala o sa kahihintay.
Napadaan lang ako pupuntang Queens
Upang magmisa sa isang pamilyang Pilipino
Na nagbabakasakali ring manalo ng Lotto.

Baka nga naman, malay mo.
Ito ang lungsod ng mga baka-sakali...
Ako, may sarili ring baka-sakali!






More Reflections

 

 
Home Directory Community History Galleries Contact Us

 

* Best viewed with | With 800x600 resolution for better results. | ŽAll Rights Reserved Diocese of Balanga 2004

Comments, suggestion & Inquiries email the webmaster