Volume I Version I   ☼   Today is 

Home Directory Community History Galleries Contact Us
 

 

 

 

 

New York Reflections

By Fr. Jun Villanueva


 

Nang Magalit si Badang

 

 

Tawagin natin siyang Badang

Maraming taon nang inordenahan

Ilang palit na rin ng sasakyan

May dalawang bahay sa tabing karagatan.

 

Nang magalit si Badang

Akala ko kung ano ang dahilan

Meron palang isang makasalanan

Nagmamadali sa kumpisalan.

 

Hindi ba’t bahagi ito ng sinumpaan

Pero kay Badang at sa marami pang Badang

Hanggang alas-singko lang ang kumpisalan

Ang dalawang minutong kalabisan

Bangungot na sa makasalanan.

 

Sabay tilamsik ng daliri sa unahan

Pasigaw na ipinagtabuyan

Sa labas ng simbahan

Sumbong ng makasalanan.

 

Ayaw ko sana itong ipangalandakan

Nguni’t dapat lang malaman

Sa bayang aking sinilangan

May bagyo man o may karamdaman

Si Padre Juan ay maasahan.

 

Amen.

 

Pahabol #1:

 

“O, hihirit ka pa?

Sinabi nang hindi ito third world!

Baka pauwiin kita! Hmpp!”

 

Pahabol #2:

 

Noli at Fili sa Amerika, 2006

 

 

Hunyo 10, 2006






More Reflections

 

 
Home Directory Community History Galleries Contact Us

 

* Best viewed with | With 800x600 resolution for better results. | ®All Rights Reserved Diocese of Balanga 2004

Comments, suggestion & Inquiries email the webmaster