|
KALATAS Bilang tugon sa hamon ng kabayanihan at kabanalan para ating panahon, at tanda ng aming pagkilala at pagpapahalaga sa tungkulin ng layko sa pagpapanibago ng Simbahan at lipunan, matapos hilingin ang liwanag ng Banal na Espiritu sa panalangin, sang-ayon sa mungkahi ng kaparian ng diyosesis, itinatatag namin at pinasisinayaan sa araw na ito ang
PANDAYAN NG LAYKO NG DIYOSESIS, na makikilala rin sa pinaikling taguring "PALAD"
Sa pamamagitan din ng kalatas na ito, inaatasan namin si Reberendo Padre Michael Tria upang maging patnugot ng "PALAD".
Nananawagan ako sa lahat ng laykong lingkod sa ating mga parokya na sumailalim sa pandayan at paghubog na ito upang lalo nating mapagyaman ang pagkaunawa at pagpapahalaga sa ating karangalan at tungkulin bilang kasapi ng Bayan ng Diyos na tinatawag na maging bayani at banal.
Mula sa Katedral ng San Jose, ikalabimpito ng Marso, dalawang libo at lima, kasabay-ng maringal na pagtatalaga ng Katedral at ikatatlumpung taon ng pagkakatatag ng Diyosesis ng Balanga.
+SOCRATES B. VILLEGAS Obispo ng Balanga
|
* Best viewed with
| With 800x600 resolution
for better results. | ŽAll Rights Reserved Diocese of Balanga 2004
Comments, suggestion & Inquiries email the webmaster