|
ANNUAL RETREAT WITH FR.
GENIE DIWA
Pebrero 12 – 16,2007
St. Michael Retreat House
Antipolo, Rizal
Pebrero,
katulad dati, buwan ng mga puso. At nakapaloob mismo ang Araw ng mga puso,
Pebrero 14, sa aming Annual Retreat bilang mga pari!
Para bagang pahiwatig lagi na isaPUSO namin
ang aming pagiging pari! Dapat lang naman…
Liturhiya ang
paksa. Liturhiya ang mga pagninilay. Liturhiya katulad ng daloy ng isang
dugo sa buhay ng Simbahan. Noong una, akala namin ay magmumukhang
seminar ang retreat. Nguni’t sa pagdaloy ng mga sessions ay
tumatamang parang “tabak” ang mga binibitiwang salita ni Fr. Genie upang
himay-himayin ang bawat himaymay ng aming ginagawa o ginagampanan sa mga
pagdiriwang at kahulugan ng panalangin at pagsamba sa buhay-pari. Marami
ring nakakabit na pagpapalalim sa buhay pastoral o paglilingkod na
isinasaad ang Liturhiya noong una pa man at isinasakasalukuyan ang mga
natatanging hamon nito sa Misyon ng Simbahan. Nabigyang diin ang mga
Spiritual na kahulugan na nakapaloob sa mga ritwal ng pagdiriwang.
Sa madaling sabi e…sulit talaga!
Natauhan kami sa mga kahulugan ng Triduum sa Misteryo Paskuwa!
Nabigyan ng kulay ang magagandang
pagdiriwang sa mga pista. Naging bagong pananaw at harinawa ay
pagsasabuhay ang mga panalangin ng Kristiyano o Liturgy of the Hours.
Kung baga sa isang makina ay nalangisan ang aming kasukasuan upang maging
malubyano at makinis ang aming pag-andar muli bilang mga pari!
Maraming
Salamat FR. Genie!
Ang kasunod
po ay ang mga larawan na nahagilap ng digi-camera ng Chancery. Kung malabo
at kulang... E maliit ho ang mata ng nagshots sa camera. Kahit high tek
e walang magagawa sa liit ng lens ng mata ko!
Click on the Image to
enlarge.
At ito ang mga dakilang
Sulyap ng Annual Retreat 2007, St. Michael Retreat House, Antipolo
Sa mga hindi
po nakasama sa mga litrato, pagpasensyahan na muna. Hirap ding may kamera
palagi sa kamay. Di makaconcentrate sa mga nagaganap. At alam ko na may
mga nagdala ng kamera, mas magaganda pa. Baka doon naman makabawi ang
iba!He, he, he!
Maraming
Salamat at Hanggang sa muling KLIK!
|