Volume I Version I   ☼   Today is 

Home Directory Community History Galleries Contact Us
 

 

LUNTIANG ISLA – Ito ay kumatawan sa Peninsula ng Bataan…Lupain ng mga Bayani at Banal…Ang Peninsulang aming minamahal at paglilingkuran sa ngalan ng Maykapal.

 

MUKHA NI HESUS – Ang Dakilang Tanda ng pagmamahal ng Ama sa santinakpan ay nananawagan na sa bawat isa sa amin ay ma-BAKAS yaong pagmamahal sa Kanya ay bumubukal at ibahagi ito sa tanan sa pamamagitan ng walang-sawang paglilingkod sa Kanyang piniling Sambayanan.

 

HUBOG NG TAO – Ito’y madilim at kulay itim na tila baga anino.  Sagisag ito ng aming masidhing pagnanais  na sa amin ay mabanaag (ma-BAKAS), hindi ang aming mga sarili na tunay namang hungkag, kundi si Hesus, na Siyang  ating liwanag.

 

KRUS – Ito’y kulay pula tanda ng kabayanihan.Ito’y sumasagisag sa buhay na aming nais yakapin…Isang buhay ng paglilingkodpagsasakripisyopagmamahal…alalaong baga’y, isang buhay na ganap  Kay Kristo...Kasama ni KristoPara kay Kristo.

 

Titik “M” – Sagisag ng aming pinakamamahal na Ina…Ang Inang Maria.Siya ang tunay na huwaran ng buhay-pagtalima sa Kabayanihan at Kabanalan. Patuloy niya kaming inaaruga at kinakalinga upang kami ay magkaroon ng diwa na katulad ng sa kanyang Anak…Si Hesus…Ang nagkatawang-taong Salita.

 

KULAY BUGHAW – Ang kulay na ito na pumapalibot sa Peninsula ng Bataan ay siyang sumasagisag sa iisang layunin namin kaisa ng layunin ng aming minamahal na Obispo…Ang maging daan ng kapayapaan sa tanan.

 

KULAY LUNTIAN – Ito ang kulay ng mga titik at ng bilog na pumapalibot sa tatak ng  BAKAS. Ito ang kulay na sumasagisag sa Patron ng Diyosesis…Si San Jose.  

 

Harinawang ang sagisag na ito na siyang kakatawan sa aming kapatiran ay hindi lamang manatiling isang sagisag, subalit ito nawa ay ma-BAKAS tuwina sa aming buhay-paglilingkod at buhay-pagmamahal.

 

Pagpalain po kayo tuwina ng Poong-Maykapal!

 

Lubos na gumagalang,

 

 

SEM. RAMON GUANZON MARIANO

Pangulo na BAKAS

 

 

Home Directory Community History Galleries Contact Us

 

* Best viewed with | With 800x600 resolution for better results. | ®All Rights Reserved Diocese of Balanga 2004

Comments, suggestion & Inquiries email the webmaster