Volume I Version I   ☼   Today is 

Home Directory Community History Galleries Contact Us
 

 

Fr. Jun Villanueva

Something Went Wrong on my Way to Heaven…”
Ang Muslim Cap, si Yael, at ang Adbiyento
Si UNO at iba pa…
SI ATO’ (ika-3 Linggo ng Adbiyento)
Pasko 2004 - Iyak
Bagong Taon 2005
KAPISTAHAN ng PAGBIBINYAG KAY HESUS
SI ERIKA, at iba pa...
TINAWAG KITA...
TUKSO...
ANG PAGBABAGONG-ANYO
DAYUHAN
SINO ANG BULAG?
ANG TITIG NI HESUS
ANG MULING PAGKABUHAY
BIDA o KONTRABIDA ?
Ang MODERNONG EMAUS

 

 

NOBYEMBRE 13

Mga kapatid, kakaiba ang Ebanghelyo ngayon.  Parang alkansiya.  Nag-iwan ng yaman ang isang tao sa kanyang tatlong alipin. Siguto, mas maiintindihan natin ang pagiging masinop ng ikatlong alipin.  Kailangang itago ko ito, pag-ingatan.  Pero iba ang nasa isip ng Diyos.  Gusto Niya ang tubo, ng resulta, kaysa iwan sa baul ang yaman.

Ito ang buhay natin.  Ano kaya ang gagawin natin kung kaharap na natin ang Diyos?  At tatanungin tayo.  Hindi ba binigyan kita ng kakayahang umawit? Marami ba ang nakaalala sa Akin nang umawit ka?  Hindi ba binigyan kita ng kakayahang gumawa ng bahay?  Marami bang lumapit sa Akin kasi natulungan mo sila sa paggawa ng bahay?  Hindi ba binigyan kita ng kakayahang magturo?  Marami ba ang lumapit sa Akin nang ikaw ay nagturo? Hindi ba binigyan kita ng bokasyong magpari?  Marami bang napalapit sa Akin nang ikaw ay magpastol sa kanila o lalong iniwan nila ang Simbahan? O baka larawan mo ang nakaukit sa kanilang puso kasi sinolo mo ang kakayahang iniwan ko sa iyo?

Sa isang mas malalalim na pananaw, marahil ito ang gusto ni Hesus:  iniwan kita ng buhay. Marami ba ang nakakilala sa Akin sapagka't nakita nila Ako sa buhay mo?  Nawa ang paalaalang ito sa atin ngayong Linggo ay magsilbing tagapukaw sa ating inaalagaang yaman - ang ating buhay.  Amen.

 

 

 

 
Home Directory Community History Galleries Contact Us

 

* Best viewed with | With 800x600 resolution for better results. | ®All Rights Reserved Diocese of Balanga 2004

Comments, suggestion & Inquiries email the webmaster