Volume I Version I   ☼   Today is 

Home Directory Community History Galleries Contact Us
 

Gospel Reflections

Sunday, November 7, 2004 Luke 20:27-38
Sunday, November 14, 2004 Luke 21:5-19

Sunday, November 21, 2004 Luke 23: 35-43

First Sunday of Advent

November 28, 2004

Mt 24: 37-44

Sunday, December 5, 2004 Mt 3: 1-12
PAGNINILAY SA EBANGHELYO Ikatlong Linggo ng Adviento

Mateo 11:2-11

KAMANGHAMANGHANG MUKHA!
“MAGKABILAAN…”
SI SATANAS NGA NAMAN!

 

 

HULING LINGGO NG KUWARESMA

“Ang Kamatayan”

 

Huling Linggo ng paghahanda! Abot kamay na ang mga Mahal na Araw! Magbalik-aral tayo. Unang Linggo, nakaharap ni Hesus ang Diyablo sa disyerto. Talo ang tukso, tagumpay si Kristo! Ikalawang Linggo, sa bundok ng Pagbabagong Anyo ni Kristo, “Dumito na lang tayo”, ani Pedro, kaluwalhatiang walang  kalbaryo, Nguni’t si Kristo, sa kalooban ng Diyos, mahalaga ang krus at sakripisyo. Ikatlong Linggo, kausap ni Hesus ang Samaritana, larawan ng pakikiharap laban sa pag-iwas; pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba; kasunduan at ugnayan bilang isang bayan. Ikaapat na Linggo, handog ni Hesus milagro ng paningin at liwanag sa simula’t sapul ay bulag. Ngayon naman ang kaharap ni Hesus ay ang “kamatayan”- Kamatayan ni Lazaro, ng mahal na mahal niyang kaibigan. Ano ang hiwaga ng kamatayan?

 

            Tandang-tanda ko pa, isang Alumni Homecoming ng San Jose Seminary, nakatumpukan ko sa kuwentuhan ang isang  balik-bayang pari galing sa U.S. Doon, halos sa bawa’t Parokya ay may Regisration/ Directory ng lahat ng Katolikong kaanib ng Simbahan.  Isang matandang parokyano, pangalanan nating “Mrs. Robinson”, ay may dalawang Linggo nang hindi nagsisimba. Maraming palagay na baka siya naospital, o kinuha ng anak. Masyadong nag-alala ang pari, kaya’t plano ni Fr. na puntahan siya sa bahay at kumustahin! Inalam niya ang address ni Mrs. Robinson at isang umaga, napadaan ang pari sa may bahay ng matanda. Tila sarado ang mga pinto at bintana. Sabi ng pari sa sarili, baka nasa ospital o kung saan naman nagpunta si Mrs. Robinson. Nguni’t may kakaibang pangamba ang pari. Bakit maraming kahol ng aso, nguni’t wala namang tao. Pilipino talaga si Fr. Nagtanong siya sa mga kapitbahay kung nasaan na si Mrs. Robinson.. Ang nakapagtataka ay hindi nila alam! Tuloy po tayo sa kuwento.

 

            Kumatok si Fr. Subali’t wala pa ring sumasagot! Hanggang sa may pintuan ay  nakita niyang halos sira na rin ang tarangkahan. Pinilit ni Fr. na makapasok sa loob ng bahay. Laking kilabot ang gumulantang sa kanya…Naroong nakaupo si Mrs. Robinson sa wheel chair, ngunit patay na!!!Halos ay maagnas na at buto’t balat na rin. Maraming aso ang kumakahol, at halos wala nang makain. Ngunit, ang nakalulungkot ay namatay ang babaeng ito nang walang nakaaalam, at walang pakialam ang kapitbahayan.  Kamatayang walang pagmamahal. Matagal na palang patay, at umaamoy na rin, nabubulok at naaagnas. Marahil, hindi ganito sa ating bayan.dahilan sa ating malasakit sa maysakit at matatanda.. Hindi man natin matularan si Hesus sa pagbibigay buhay kay Lazaro;  ang pinakamahalaga ay ang marubdob na pagmamahal at malasakit! May buhay na nanggagaling sa puso ng lingkod! May malalim na karanasan ng kamatayang hindi na sumpa kundi pagpapala sa pamamagitan ng mismong “Kamatayan” ni Kristo. “Kamatayang punong-puno ng buhay, at kamatayang nag-uumapaw sa buhay na walang hanggan. AMEN!      

 

 

 

 
Home Directory Community History Galleries Contact Us

 

* Best viewed with | With 800x600 resolution for better results. | ®All Rights Reserved Diocese of Balanga 2004

Comments, suggestion & Inquiries email the webmaster