Volume I Version I   ☼   Today is 

Home Directory Community History Galleries Contact Us
 

 

 

 

OKTUBRE 9

Nakakapagtaka, hindi dumalo ang mga inimbita ng hari. Iba't iba ang kanilang mga dahilan.  Noong panahong iyon, laganap din ang mga naghihirap, marami rin ang mga walang makain.  Hindi ba't marami ring sumusunod kay Hesus noon kasi hinihintay nilang muli ang pagpaparami niya ng tinapay para makakain sila ng libre?  O baka ibang panahon ang nasa talinghaga, o kaya, ay ayaw nila sa hari, o kaya, wala silang damit sa handaan.  Pero hindi iyon ang punto ng kuwento.  Ang isang nag-aanyaya lalo na sa kasalan ay bihirang isnabin.  Mahalagang okasyon ito.  At ginamit ito ni Hesus, ibig sabihin, lahat ng agam-agam na nabanggit ay pawang pekeng dahilan lang.

Nakakapagtaka, maraming inanyayahan si Hesus, kakaunti ang tumugon.  Marami ring dahilan, kadalasan ay personal na dahilan, at hindi inisip ang pangkalahatang bunga nito.  May mga tumugon nga, pero hindi handa.  May mga tumugon nga pero peke ang dahilan, kaya hindi rin tumagal.  May mga tumugon nga, pero nanloko naman.  Ang paanyaya ay para sa atin - hindi lang sa pagpapari o pagmamadre.  Nagkakamali tayo.  Ang paanyaya ay upang maging alagad Niya, sa ngayon at dito ng buhay natin. Upang maging Kristiyano, sa salita at gawa, sa panlabas at panloob.

Nakakapagtaka, marami pa rin ang hindi naniniwala.  Para sa ilan, wala naman daw laman ang tabernakulo.  Para sa ilan, ang lahat ay hungkag na ritwal lamang.  Ang ilan ay nagsasabing panay batas lang ang Simbahan. Ang ilan ay nagsasabing nagsasayang lang daw ng panahon.

Hindi nakakapagtaka, hanggang ngayon, patuloy ang paanyaya ni Hesus sa Kanyang piging.  Amen.

 

 

 

 
Home Directory Community History Galleries Contact Us

 

* Best viewed with | With 800x600 resolution for better results. | ŽAll Rights Reserved Diocese of Balanga 2004

Comments, suggestion & Inquiries email the webmaster