Volume I Version I   ☼   Today is 

Home Directory Community History Galleries Contact Us
 

 

Fr. Jun Villanueva

Something Went Wrong on my Way to Heaven…”
Ang Muslim Cap, si Yael, at ang Adbiyento
Si UNO at iba pa…
SI ATO’ (ika-3 Linggo ng Adbiyento)
Pasko 2004 - Iyak
Bagong Taon 2005
KAPISTAHAN ng PAGBIBINYAG KAY HESUS
SI ERIKA, at iba pa...
TINAWAG KITA...
TUKSO...
ANG PAGBABAGONG-ANYO
SINO ANG BULAG?
ANG TITIG NI HESUS
ANG MULING PAGKABUHAY
BIDA o KONTRABIDA ?
Ang MODERNONG EMAUS

 

SINO ANG BULAG?

Ika-4 na Linggo ng Kuwaresma

6 Marso 2005

 

 

Ewan ko basta naalala ko ang kuwentong ito na matagal nang nangyari sa isang parokya na tawagin nating Parokya ng Maski Saan, sa Diyosesis ng Kahi’t Saan, at ang Kura Paroko ay si Padre Kung Sinu-sino.  Ganito po iyon.  Maraming baryo ang sakop ng Parokya ng Maski Saan, kaya’t may mga Linggo na ang naghahatid ng Banal na Komunyon sa ilang Baryo ay mga Lay Ministers.  Isa sa mga Lay Ministers si Brother Ben.  Mabuting tao si Brother Ben, iginagalang ng komunidad.  Driver siya ng isang mayamang pamilya.  Ang asawa niya ay nagsisilbing labandera rin ng pamilyang ito...  Kilala rin ang pamilyang ito na malakas magbigay ng abuloy sa mga pagawain ni Padre Kung Sinu-sino. Hindi alam ng mag-asawang mayaman na naglilingkod si Brother Ben bilang Lay Minister. 

         

          Minsan, nagsimba ang mag-asawang mayaman, sa pag-aakalang si Padre Kung Sinu-sino ang magmimisa.  Sapagka’t malapit lamang ang bahay nila sa kapilya, naglakad lamang sila upang magsimba.  Laking gulat sila nang makita nila ang driver nilang si Brother Ben na nakabihis, nakapolong puti at nasa unahan ng kapilya at namumuno pa sa pagdiriwang.  Masaya ang mga tao.  Malakas ang awit, malakas ang mga sagot, at masaya silang nakikinig sa pagbabahagi ni Brother Ben.  Lahat ay nakikinig at nagninilay sa pagdiriwang, maliban sa mag-asawa.  Matatapos na ang pagdiriwang, hindi pa rin matapos ang pagbubulong ng babaeng mayaman sa kanyang asawa kung tatanggap ng komunyon o hindi. “Driver lang natin ‘yan, bakit tayo susubo?”

 

          Mga kapatid, minsan bulag tayo.  Mas pinapansin natin ang may dala kay Kristo hindi si Kristo mismo.  Bakit, nawawala ba si Kristo kung ang may dala nito ay isang driver?  Nawawala ba si Kristo kung katulong lang natin ang nagdadala nito?  Nawawala ba si Kristo kung hindi natin ka-vibes si father na magdadala nito?  Sino ang bulag at hindi nakakakita kay Hesus

 

          Ang panahon ng kuwaresma ay panahon para tingnan natin si Hesus sa kapaligiran.  Kung hindi man natin Siya makita sa kapaligiran, ipakita natin Siya na nananahan sa ating mga puso.  Kung hindi mo makita si Hesus sa lipunan, ipakita mo Siya sa puso mo.

 

 

 
Home Directory Community History Galleries Contact Us

 

* Best viewed with | With 800x600 resolution for better results. | ®All Rights Reserved Diocese of Balanga 2004

Comments, suggestion & Inquiries email the webmaster