The Roman Catholic Diocese of

Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks

 

“MULA SA LUBID HANGGANG SA TUBIG…”

Bataan Clergy Renewal

The Good Shepherd Spirituality Center

Antipolo, Rizal

September 19 to 23, 2005

 Lubid…

 

Sa pinagsama-samang lakas ng Kaparian,

Nawa’y matutuhan na ang mga ito’y handog ng Diyos!

Si Hesus lamang ang Lakas at si Hesus lamang ang nagkakaloob

At lahat tayo’y walang karapatang magmalaki at magmagaling!

 

Mula sa Paglundag sa katotohanan, marami tayong natutuhan

Manalig lamang kay Hesus na ating Gabay at Tagapagligtas.

Sa mga lubid na nakalambitin , sa Langit tayo’y kumapit

Sa mga punong Sandigan at Kanlungan

Tayo’y nagtagpo mula sa panibagong titig ng Pag-ibig!

 Tubig…

 

Sa paglutang ng mga isdang bola at sa mga pinalayang budhi

Muling sumigla ang silakbo ng puso.

Sa tulong tulong na pamimingwit

Ng mga pinagsaluhang langit

“Humayo kayo at mamalakaya ng mga tao” !

Ang habilin ni Hesukristo!

 

Sa butas-butas na drum, mababanaagan ang ating pagiging makasalanan!

Sa hangad na hindi masayang ang espiritu ng Kabanalan!

Takip dito, takip pa rin dito …At mas “Dito” talaga!

Sa mariin na pagdidito ng ating paninindigan

Isabuhay sa gawa ang bukambibig ng salita.

AMEN!

  

Minsan Isang Hatinggabi sa tagaktak ng Ulan…

 

Fr. Perry V. Medina

Katedral ng Balanga

 

 

News Archives

 @ 2007 Diocese of