The Roman Catholic Diocese of

Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks

 

Kuwaresma

“PAG-AALAB NG PUSO”

(Juan 2:13-25)

Fr. Perry

 

Galit na galit si Hesus! Kakaibang Kristo, hindi maamo, hindi mahinhin, Hindi tahimik. Hindi mabait? Madalas nating itumbas ang hindi marunong magalit na isang katangian ng kabaitan. Madalas maganda raw ang laging nakangiti, ang laging pa-cute, at may timpi. Huwag magtataas ng salita at huwag mananakit sa kapwa. Manahimik na lang at minsan may nagsabi pa”No talk, no mistake!”

 

Palagay ko, Fake ang Kristong walang galit! Ang pag-aalab ng puso sa bahay ng Ama ay nagangahulugan ng apoy, sapagkat ang apoy ay may misyong magtupok. Nagsasamantala noon ang mga punong saserdote at ng may mga karapatan sa templo na kasabwatan ang mga negosyante sa pagtataas ng presyo ng mga hayop na kakatayin, at mga namamalit ng salapi ng mga dayuhang dapat bumili ng hayop sa kanila nang sobrang mahal. Pangungurakot sa lambong ng kabanalan, mga pikit-mata sa pagsasamantala, monopoliya na kalakal. APOY na handang maglagablab sa pagtupok ng karumihan at kalapastanganan sa templo ng Diyos.

 

Noong bata siya Si Hesus ay inihandog ng kanyang mga magulang sa templo. Nakita ito ni Simeon at natutuwa nang mamatay. Noong labindalawang taon gulang siya, natagpuan si Hesus kausap ang mga pantas sa templo. Namangha silang lahat sa kanyang katalinuhan. Nagtaka ang kanyang mga magulang ng marinig si Hesus, ”Bakit ninyo ako hinahanap, hindi ba nararapat na nasa bahay ako ng aking Ama.” Binabalik-balikan ni Hesus ang templo ng Herusalem. Ang templo ng puso niya, na tanging nag-aalab lamang kung ito’y nananahan sa Ama. Ang kalooban ng Ama ang buhay ni Hesus. Ito lamang ang nagtulak kay Hesus, noong muntik na siyang umayaw sa krus  sa Halamanan ng Hetsemane. Si Hesus ang alay, at si Hesus na mismo ang templo ng Diyos. Templong mawawasak ngunit matatayo nang walang hanggan.

 

APOY. Pag-aalab, Ang mundong  tinubos ay nararapat ding ”tupukin” Ang karumihan sa mga isipan ng tao, ang mga naglalason at sumisira sa ating mga katawan. Ang mga pangungurakot at maraming pagsasamantala sa lipunan. At ang nasa loob ng ating puso na dungis ng kasalanan at kalungkutan. Maalab ang puso ni Kristo, apoy na nagliliyab. Pag-ibig na handang magpakasakit kahit hindi magustuhan ng mga nakararami. Galit na may prinsipyo. Galit para ituwid ang kamalian. Galit na may paninindigan. Galit na may kalinisan ang loob! Hayaan nating magalit ang Diyos, kapag siya’y magalit, ang ating sarili ay nalilinis, at ang ating Simbahan ay nagiging banal. Papasukin natin si Hesus upang magalit sa magulo nating mundo at hayaang magalit ang Diyos sa katigasan at karumihan ng puso. Magandang magalit ang Diyos. Pag-aalab ng Puso! Kalinisan ng kalooban. Ang tanging dahilan ng galit ni Kristo!

 

Home

Fr. Perry

 @ 2007 Diocese of