The Roman Catholic Diocese of

Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks

BAGONG DIYAKONO, HIRANG NG DIYOS

Marso 25, sa Kapistahan ng Pagpapahayag ng Anghel Gabriel kay Santa Maria sa Katedral ng San Jose, Balanga, ay inordenahan ng ating Obispo Soc Villegas si REB. MILVER R. CRUZ bilang Diakono. Siya ay nagtapos sa San Carlos Seminary. Siya ay tubong Cabcaben, Mariveles, Bataan, at pamangkin ni Msgr. Edil Cruz. Ang kanyang paghubog bilang diakono patungo sa pagpapari ay kinapapalooban ng paglilingkod sa Parokya ng San Francisco ng Assissi sa Limay; Parokya ng Santa Catalina ng Alexandria ng Bagac; at Parokya ng Katedral ng San Jose sa Balanga. Ipagdasal natin si Reb. Milver upang maging mabuting pari sa hinaharap. Mabuhay Reb. Milver! Paglingkuran mo nang tapat ang Bayan ng Diyos.

News Archives

 @ 2007 Diocese of