![]() |
||
Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks |
||
SUBWAY
Isang "swipe" ng metrocard Lalarga ka na, en punto talaga Mabilis na arangkadahan Ang tren sa daantaong subway Dadalhin kung saan-saan Sa ilalim ng matataas na gusali May tren pala sa ilalim.
Sa loob ikaw ay bibilib Mga sosyal na naka-amerikana pa at may bitbit Nakatayo, nakasiksik Kasi two dollars lang pala.
Pero mas nakakapangilabot Mga mukha ng bawa't isa Parang ayaw mag eye-to-eye Nag-iiwasan pala. May mga nagkukunyari Aklat ay hawak, kahi't pabalik-balik Nag page 4 na ngayon ay page 2 ulit, Sige lang basta huwag kang kukurap.
Minsan natakot pa ako Kasi may mga mukhang sira-ulo Parang diyan din, pakala-kalabit Namamalimos at namimingwit.
Di baleng maapakan ang paa mo Mag "sorry" naman sila At may tanong pang "how are you today?" Sabay talikod sa iyong may ngiti.
Balik sa mga mukha Na parang nakakamangha Pero meron akong naalala May mga kapareho sila Mga mukha sa simbahan pala. |
||||