The Roman Catholic Diocese of

Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks

 

PARAISO

 

Nais kong magtayo ng bahay kubo

Sa gitna ng Times Square at Broadway

Upang may paalala - buhay sa mundo

May hantungan, may katapusan.

 

Nais kong magtanim ng palay

Sa ilalim ng kanilang tulay

Sa Hudson, Sa Lincoln, o Brooklyn kaya,

Upang muling umani ng kabutihang tunay.

 

Nais kong magpalipad ng saranggola

Sa Union Square o Madison kaya

Sabay sigaw ng Darna

Maging totoo kayo sa salita!

 

Nais kong maglaro ng turumpo at sipa

Sa Yankee Stadium at Central Park nila

Maging bata, maging laging masaya

Sa araw-araw na biyaya.

 

Nais kong magrosaryo nang paluhod

Mula Ports Authority at JFK

Upang maranasan, hirap na dinadaanan

Mga kababayang nasa bayang sinilangan.

 

Nais kong  - kung anu-ano pa

Makita lang ang ligaya

Paraiso sa bawa't puso

Minsan sa dollar ay naglalaho.

 

more Reflections

 @ 2007 Diocese of