The Roman Catholic Diocese of

Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks

 

PADRE

(Kay Padre Daly... sa kanyang ika-70 kaarawan)

 

Pitong dekada ng pakikibaka

Di mabilang na tag-araw at taglamig

Hindi maipintang kulubot ng mukha

Hindi maisulat na kuwento at kanta.

 

Alam ko, napakaganda ng iyong puso

Napakabusilak ang iyong pagmamahal

Sa Poong laging sa iyo'y nagbabantay

Hindi ka Niya iniwan, kahi't kailan.

 

Parang minsan ay narinig kita

Nangangarap na maibalik ang sigla

Ng Simbahang naging iyong tahanan

Pitong dekadang parang kailan lang.

 

Alam ko, maraming taon pa

Ang bibilangin bago maabot kita

Sa iisang kalsadang iyong pinagdaanan

Na sana ay akin ding hantungan.

 

 

more Reflections

 @ 2007 Diocese of