The Roman Catholic Diocese of

Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks

 

NAKITA KO ANG MATA NI JUAN...

(Hunyo 3)

 

At bumuhos ang malakas na patak ng ulan

Sa mahabang kalsada, sa maruming daan

Mistulang dugo ng nahihiyang puso

Ng isang dayuhang walang masilungan.

 

Akala ko ay  may hihintong sasakyan

Para makasakay si Juan

O kaya ay balikat na aakbay

Sa pagkalito may karamay...

 

Pero sabi ni Juan, ang lahat ay magaan

Ang lahat ay isang mayamang karanasan

Baon ay biyaya ng Poong Maykapal

Di ba't sabi pa nga'y "Halika, sa Aki'y humimlay."

 

Nakita ko ang mata ni Juan,

Malamlam, mapungay, pero luhaan

Kasabay ang patak ng malakas na ulan

Bakit minsan ang mabuti, sa umpisa lamang.

 

Sige, lumakad ka, kaibigang Juan

Hayaan mong baybayin buong Manhattan

Hindi baleng mabasa buong katawan

Huwag lang isuko, pusong nasugatan.

 

At patuloy na bumuhos ang malakas na ulan....

 

more Reflections

 @ 2007 Diocese of