![]() |
||
Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks |
||
MAGPAKA-IKAW KA! 21 Hulyo
Magpaka-ikaw ka Kung ano ka, kung sino ka Huwag mangarap na maging agila Kung sisiw ka at namamalikmata.
Pinagtatawanan pala tayo, Sabi nina Debbie, Ted at Skaro Kasi may mga Pinoy nga naman Ginagaya puntong New Yorker at Italian.
Huwag mong ikahiya, Kung English mo ay puntong Maynila Atin iyan, ikaw iyan Huwag na huwag kalimutan.
Huwag mong ibenta Ang nag-iisang kaluluwa Ikaw iyan, nag-iisa Kahi't ka inaalimura.
Eh paano ba naman, kasi, padre, Nagkakanda-pilipit dila ng mga pare't mare Masabi lang na sila ay maige Hala bira sa puntong banya-ge!
Magpaka-ikaw ka, Kung ano ka, kung sino ka Alalahanin mo, sabi nga ni Ate Guy "Minsa'y isang gamu-gamo A hindi natakot lumaban Sa mga lawin..."
At kapag napahanga mo naman sila, Kahi't hindi sinasadya, o sinasadya man, Ano ka, mag-uunahan pa sila Na ikaw ay angkinin, akala mo ay kalahi ka nila.
Mga Kastila, Italian at Puti: "Oh your name sounds Hispanic" sabi nila O kaya, ""Mossimo" must be your Italian name", O, "Ah, our countries have been friends since the War."
At hindi rin pahuhuli, Mga kababayan at kabarangay na Pinoy, "He is our friest prom the Filifins, day" O kaya, "He is our vrader, bay!"
Basta simple lang ang buhay, Magpaka-ikaw ka Kung ano ka, kung sino ka; Tiyak, ang munting gamu-gamo Kaiinggitan ng mga agila!
O, aber! |
||||