![]() |
||
Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks |
||
LINGGO
At nagsimula ang Misa Pero aaninagin ka nila Simula ulo hanggang paa Sino kaya ito, alam kong tanong nila.
Ganoon din Pinoy diyan, Pinoy dito May ngiti, may dating Kapag nagkakapiling Sa loob man ng kapilya O malaking katedral kaya Buhay na pagsamba At pagtawag sa Maylikha.
Sige nga, Maghanap ka Ng simbahan dito Tiyak na may makikita Kababayang nagsasamba.
Sa una lang magtataka Baki't ka nagmimisa Sa simbahang banyaga Di ba Pilipino ka?
Pero mukhang walang Donya Titay Na panay ang paypay Kasi naman, malamig dito Kaya imbes na paypay Mga pasosyal na "ehem" At matahimik at malarobot na galaw Ng puwit sa silyang maykulay Aba nakakahiya nga naman Naka coat and tie ka pa naman Kaya, hala, pinong galaw At tahimik na tatangu-tango Sa homilyang naintindihan kaya?
At pagkatapos ng Misa Tiyak may tawanan Kuwentuhan, kumustahan Kahi't laging magkakasama Kasunod ang kainan A, alam mong may Pinoy diyan.
|
||||