![]() |
||
Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks |
||
IBA PALA ANG ENGLISH DITO...
Minsan pumunta ako sa pharmacy Para bumili ng gamit sa sipon Pagpasok ko, Isang malaking negrang itim ang nasa bungad (Kasi may mga negrang maputi ang mukha Pero maitim na ang leeg pababa - Aba, nag likas-papaya yata At nag-ambisyon pang pumuti, O kaya nag pulbos ng harina) - Habang papalapit ako sa kanya Nakita ko ang mga matang singlaki ng strawberring hilaw;
"What is good for running nose?" Sabi ko pang patula Isang dumadagundong na "TIE IT" sagot niya; Akala ko ay short cut ng gamot - Tulad ng tylenol o kung ano pa, Pero para sigurado Nagtanong ulit ako At muli isang malakas na "TIE IT" sagot niya At may dagdag pa - "TIE IT SO IT WON'T RUN!"
Ako ang nag-run Sa hiya at sa yamot Aba, akala ko ay marunong sila ng mga tula Ni Shakespeare o Allan Poe kaya, Iba pala ang English dito Ang nasabi ko sa aking sarili, Sabay tingin sa kapaligiran Habang isang buntis ang sa aki'y nakatingin Bitbit ang malaking kahon ng Aspirin.
Sa Ports Authority naman Na terminal ng mga sasakyan Isang umagang kayganda Muntik na namang masira. Sabi ko sa nagtitinda Ng mga tiket at kung anu-ano pa, "Round trip ticket to Woodbridge, please..." Na may kasamang isang simpleng ngiti "What will you do there, boy?" sabi niya "Am visiting my friends..." "What? You've got friends there?" malakas na sabi niya "Ya, am a priest, am visiting a priest?" "So what?" Get your ticket there!" sigaw niya Ewan ko, born again yata;
Mag-ingat ka sa kanilang pag-nganga Kasi may libreng laway ang english nila Mala panis na snow sa kalsada At iba pang estorya Kapag kausap mo sila.
Iba pala english dito Bawa't salita may dalang pangamba Baka iba ang intindi nila O kaya naman ay sinsasadya Kapag nakita ka nilang Ika'y tatanga-tanga... |
||||