![]() |
||
Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks |
||
SAAN KA MATUTULOG PATRICIA? Agosto 21
Madalas kong tanungin ang aking sarili Saan ka matutulog Patricia Kapag ang dilim ay naghari na O kapag ang yelo ay bumagsak na...
Pero hindi dapat magtanong ng ganito Kasi may mga shelter for the homeless dito At malaking diskwento sa gamot at pagkain At may libreng tirahan pa kamo.
Pero marami pa ring Patricia, Meron pa ngang George, Josefa at Barbara Ang nangaglipana Sa iba't ibang sulok ng lungsod Mapa-subway man o gilid ng gusali.
Magusing din, mga pulubi Na bawa't isa ay kasabay na bitbit ang bag Ng alaala ng kanilang kahapon...
Sa labas, lalo na kapag gabi Parang dalagang may maningning na perlas Ang lungsod na ito Halos mapagkamalan mo na ngang bagong solar system Sa mga mala-bituing ilaw ng bawa't gusali Halos mapagkamalan na ngang langit Sa dami ng nagmistulang ligaw na anghel sa kalsada. (Diyos ko, sana hindi ganito ang langit...) Kasi ayon sa iba, langit daw dito.
Pero saan ka nga ba sisilong, Patricia? Dapat ko bang problemahin ito? Nagtatanong lang naman Kasi may mga grupo pa ngang nakikipaglaban Sa mga karapatan ni Dandrel At ni Swanky at Ruthsie...
(Si Dandrel ay malaking aso may kwintas na akala ko Ay bagong uso ng cellphone, Si Swanky ay pusang kulay abuhin At si Ruthsie ay isang ibong dati ay ligaw Pero nakatagpo ng tahanan sa isang Ginoong M.)
Kaya magtatanong ka talaga Saan ka matutulog Patricia??? |
||||