![]() |
||
Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks |
||
PRENO ika-31 ng Hulyo
Basta magpreno ka, Kahi´t wala kang sasakyan O wala ka sa manibela. Preno ang tawag dito Kapag naglalakad ka Kailangang diretso ang tingin mo At angkinin mo ang dinadaanan mong linya Kung hindi, babanggain ka nila Kasi inaangkin din nilang kanila Ang linya ng daan.
Pag bigla kang huminto Tiyak na trahedya ang resulta Kasi ang nasa likod mo May sariling speed sa paglakad Parang daloy trapiko May minimum at maximum Pag biglang preno Banggaan ng katawan ang resulta May bonus pang pagmumura.
Kaya ang paglalakad Sa daan ng manhattan May sariling preno May sariling bilis Kung gusto mong maging maayos Paglalakad mo.
Preno pa rin ang tawag dito. |
||||