The Roman Catholic Diocese of

Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks

 

MUKHA

Setyembre 23, 2005

 

Hindi totoo na iba-iba sila

Kung tutuusin, siyam sa sampu ay pareho.

May earphone na iba't ibang estilo

Ang nakapasok sa tainga,

Ngumunguya ng chewing gum

Ang kaliwang kamay ay may tubig o kape

Alin man sa dalawa

Ang kanang kamay naman  ay may ipod o celfon.

 

Kapag ipod ang nasa kanan,

Magalaw ang malaking daliri sa menu nito

Kapag celfon naman

Sasabayan sa pagnguya ang pagsalita

Akala mo tuloy mga baliw na walang kausap

Salita nang salita

Palakasan - sa subway man o daan

Tatawa - di baleng mahulog ang chewing gum

O matilamsikan ka ng kape o tubig.

 

Ang lahat nang ito ay sabay sa mga nagmamadaling lakad

Alisto ka baka matapakan ka

O bundulin ka nila

Alin man sa dalawa

Wala kang lusot.

 

Minsan pa nga

May parang "commercial" sa kanilang ritmo

Babatiin ka ng hungkag na pagbati

"How are you today?"

At hindi naman maririnig o iintindihin ang sagot mo

Basta may masabi lang sila.

 

Siguro lima sa sampung babae ay litaw ang pusod

Masuwerte ka kung walang tattoo

Bata man o hindi

Baka bukas pati buntis gagaya na rin.

Matatakot ka pa nga kapag itim ito

Parang mapa ng Atlantika

Nang matabunan ito ng pinturang may alkitran.

 

Mukha ito - ano kaya ang nasa likod nito?

 

more Reflections

 @ 2007 Diocese of