![]() |
||
Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks |
||
NANG MAGDALAGA SI CAROLINA (O Sa Maikling Salita, BUNTIS NA!) Agosto 17, 2005
Hindi ko pa rin matanggap O kaya, isa na ako sa sinasabing wierdo O napakakonserbatibo;
Kasi, nang malaman ko ang nangyari kay Carolina Isang Hispanic (o Kastilaloy) na taga-Queens Na ang tatay ay nagtitinda ng mga bagel O iyong parang pandemonay yata ang tawag sa atin At ang tindahan niya ay kariton, (O anong masasabi ninyo Akala nyo ba ay diyan lang may mga kariton?) At minsan ay nakabili ako At nakipagkuwentuhan sa akin ang tatay Na ang pangalan ay Antonio Parang mga Pinoy din ang pangalan, Taga-Mexico sila Pero dito nagtitinda Nang malaman na pari ako, Sabay sabi na Katoliko rin daw siya, Sabay kuwento sa anak niyang si Carolina At hingi daw ng payo, Kasi nagdalaga na si Carolina Labing-apat nang taon gulang siya At hindi na mapakali kung hindi pa buntis Sa edad ng pagdadalaga.
Kasi daw ang mga kaibigan niya Ay panay nabuntis na sa edad na ito Ang iba nga nakadalawang laglag na Paano daw si Carolina Paano niya ibabalik ang ugali nila Sa sariling bansang Mexico? (Dumaan pala sila sa Tijuana papuntang Amerika, 'Yong boarder ng Estados Unidos at Mexico Na malapit sa San Diego).
Nagtaka pa nga ako at parang natulala Kasi sabi naman ni Ahmed Yong nagtitinda ng deli o mga sigarilyo, lotto at doublemint Sa tapat ng kariton ni Antonio Na laging bumibili ng bagel at naninigarilyo At nakikihalo sa aming usapan, (Taga-Pakistan pala si Ahmed, Nakalimutan ko kanina) Nagulat ba daw ako sa mga katulad ni CArolina? Baka weirdo daw ako Kasi iyon na ang pamantayan dito Ng pagdadalaga... Patawa pang sabi niya.
Ewan ko. Nakakatulala talaga. |
||||