![]() |
||
Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks |
||
TANGA
Parang mahirap banggitin ang salitang ito Na alam ko ay kilala nating mga Pilipino Sa buong pag-aakala ko Para sa atin lang ito.
Hindi totoo. Marami ring tanga dito Na kung susuriin ay parang hindi totoo Pero maniwala, ka Pedro, Ang tangang Pilipino Ay hindi hamak na mas matalino Sa tangang Amerikano.
Hindi ko mabilang sa pamamagitan ng mga numero At lalong hindi naman ako nag-iimbento Paglipas ng isang taon ko rito Kulang pa ang nasa Ebanghelyo Na pitumpo’t pito.
Gusto ko sanang magbigay ng ehemplo Tulad ng ganito at ganoong tao Kaya lang baka ako ang balikan dito Kasi may kababayan din tayo Na sipsip sa amerikano Lalo na kung ang pagkatao Natatakpan ng mga porsiyento.
E bakit ko pa binabanggit ito, Gusto ko, anong pakialam mo; Pero kung paiiklin ang pagninilay na ito Mauuwi sa isang salitang kilala mo Tanga – Pinahaba lang ng aking estilo. Ho! Ho! Ho!
Hunyo 7, 2006 |
||||