The Roman Catholic Diocese of

Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks

mayhan3

MAY HANGGANAN...

Alam ko, laging may hangganan

Kapag darating na ang paglubog ng araw

Malapit na rin ang bukangliwayway

Ng maraming dilim at maraming pangarap.

 

Kapag pagod na kalalakad sa landas ng buhay

Alam kong may hangganan at may bagong daan

Na naghihintay sa bawa’t pagliko at pagpapatuloy

Ng maraming “sige pa” at “kaya mo pa”.

 

Ang mahirap ay ang maghintay

Sa pagitan ng hangganan at bagong simula

Parang taon, parang magpakailanman

Lalo na kung nasa gitna ng sangandaan.

 

Maraming gunita at minsan ay takot

Sa bawa’t bagong umaga, sa bawa’t paglimot

Ang hangganan ay isang tulay

Kailangang tawirin, kailangang daanan.

 

Isa lang ang alam kong walang hangganan

Ang pag-ibig ng Diyos na laging laan

Sa bawa’t isang manlalakbay

Tulad ko, tulad mo, tulad natin.

 

 

26 Setyembre 2006

 

more Reflections

 @ 2007 Diocese of