![]() |
||
Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks |
||
MASALIMUOT
Hindi mga bakal ang nasa tulay Kundi isang masalimuot na mundo Minsan, nag-uunahang makita ang araw Matapos ang isang malamig na gabi.
Gusto ko sanang pigilin ang luha Sapagka’t sa mata ng marami ay nakakahiya Pero hinayaan ko siyang maglakbay sa mukha Sa salamin ng aking hungkag na kaluluwa.
Masalimuot ang mundo ng isang ina Nagsumikap para ang pamilya ay guminhawa Sa mga hindi maipaliwanag na bakit at paano Sa isang landas na ayaw nang makita Isang araw, ang pagsusumikap doon napunta.
Gusto ko sanang itago ang lungkot ng paglubog ng araw Pero mas malakas ang sigaw ng aking budhi Upang muling ibangon ang katawang nasaktan Upang muling lakbayin ang landas ng maski saan.
Masalimuot ang buhay, parang salamin ng hindi ko mawari Mabuti andiyan Ka, Panginoon, aking kaibigan Sa gitna ng mga pag-aalinlangan Ika’y Gabay sa aking patutunguhan.
Ika-13 ng Setyembre 2006 |
||||