![]() |
||
Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks |
||
GITNA (Hango sa Movie Screenplay na "BETWEEN US..." ni Fr. Jun Villanueva, (Writers Guild of America - East Reg. No.143004)
May daigdig sa pagitan nating dalawa Ang tawag ay GITNA; Dito, ang mga tao ay kung sino sila Hindi kung sino sana sila.
Dito, kaya mong lumangoy sa iyong mga pangarap Malaya, walang takot, walang pangamba Dito ang pula ay pula, ang puti ay puti Walang kaba, walang alinlangan.
Nakilala muli ni Maureen si Anthony Nang mamatay ito sa aksidente Sa bisperas ng kanilang kasal, Sa pamamagitan ng paglakbay sa GITNA.
Sa paglakbay ni Maureen Nakita niya ang mga pekeng Gitna Mga mundong walang damdamin Hindi iniinda ang sugat, walang kamatayan.
Nguni't sa tunay na GITNA Ikaw ay totoo, walang pagkukunwari, Umiiyak kung nasasaktan Tumatawa kung masaya.
Gusto mong makarating sa GITNA Sa ngayon at dito ng buhay mo? Madali lang. Hindi ba't matapos mong mangumpisal Ikaw ay nasa GITNA Ikaw ay totoo sa sarili at sa Diyos?
Ika-5 ng Setyembre, 2006 |
||||