The Roman Catholic Diocese of

Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks

DIGMAAN

 

 

At muli nilang nilait ang mga Pilipino

Sa kanilang debosyon sa Birhen at Santo Ninyo

Wala ba daw edukasyon ang Simbahan sa Pilipinas

Kontra sa mga ritwal na taliwas?

 

Sabi ko, meron.  Marami.

Ang nakikita lang nila ay ang panlabas na kilos

Hindi nila kayang arukin ang puso

Sapagka’t hungkag din ang kanilang buhay.

 

Pati pagrosaryo, makaluma na daw

Pati pagluhod, sa pagano daw

Kaya pala ang pagmimisa nila

Parang artista, palabas lamang.

 

Sa di-kalayuan, ang nakapakong Kristo ay parang tulala

Parang malungkot, parang nagtataka

Hindi ba’t ang mga bata ay pinagpala

Sa isang payak na pagluhod, may biyaya?

 

Pagkatapos ng misa, mawawala na

Kung tutuusin, isang oras lang sa dambana

At sabay sa pagtanggal ng sotana

Naglaho na rin ang pananampalataya.

Kaya pala ganito dito.

 

Hahanapin ko pa rin

Isang simpleng Ama Namin

Ang pag-awit ng Gloria

Na bagama’t sabi nila ay makaluma;

 

Tanong ko, alin ba ang makabago

Alin ba ang hindi taliwas

Kung ikukumpara sa mga patay na pagsamba;

Oo nga’t mga nakaporma

Parang mga robot na nakanganga.

 

Walang ugnayan sa bayan

Kasi daw mga nagtatrabaho naman

Kaya pala nang si Jack ay maghingalo

Si father na taga-third world na lang daw ang mag santo oleo.

 

Maghihintay na lang ng suweldo

Tulad ni Mary na taga bangko

Kaya pala ang malaking seminaryo

Ang laman na lang ay pipito.

 

Oo, nagagalit ako

Kapag nilalait kababayan ko

At pati na rin ako, third world na kleriko

Hindi ba’t ganoon din si Kristo?

 

 

Ika-1 ng Hunyo 2006

 

more Reflections

 @ 2007 Diocese of