![]() |
||
Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks |
||
AYAW KONG MAKITA ANG KAMATAYAN NI AGNES...
Parang naghihingalo ang katawang hapo Mata’y lumuluha, may sugat, may dugo Muling ihihimlay sa paanan ng krus Tanging binibigkas, “Nasaan ka, Hesus?”
Ayaw kong makita ang kamatayan ni Agnes Hindi sapagka’t ako ay duwag, ako rin ay may bangis Pero wala akong magawa, lagi na ring tulala Nagtatanong, hinahanap ang mga ang alaala.
Dati maraming kaibigan, masaya at makulay Bawa’t kilos masigla, laging may buhay Siguro depende na rin sa mga nag-aalaga Napabayaan ba sa mga asong gala?
Pero nasa pamilya na ni Agnes ang halos lahat Kinaiinggitan, dinadayo, pinapangarap May kinang ng pera, magarang tahanan Walang nagawa, lahat may hangganan.
Nasobrahan ba ng pag-unlad At hindi na makita ang mga kapus-palad Sariling kaluluwa ikinulong sa tuwa Hindi na marinig tinig ng Maylikha?
Ang mga nag-aalaga, ang mga nagbabantay Parang walang pakialam sa sinumpaang pangako Walang nagawang inspirasyon sa mga susunod na henerasyon Para muling alagaan si Agnes sa sangandaan.
At unti-unting kumalat ang sakit Maraming Agnes ang sugatan, luhaan Maraming kamatayan ang aabangan Sadyang nilimot ang Dakilang Nakaraan.
At ang kandila ay unti-unting naagnas Maghihintay muli ng bukang-liwayway...
22 Hunyo 2006 |
||||