The Roman Catholic Diocese of

Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks

 

Nang Dumalaw si Superman sa Simbahan

 

Hindi naman ako nananaginip

O namamalikmata habang nagmimisa

Pero isang umagang nakakaantok

Biglang bumulaga isang kakaibang bisita.

 

Siya daw si Superman, tagapagtanggol ng mundo

Sa katunayan, gusto pa nga niyang lumipad

Habang nagbabasa ang lektor tungkol kay David

Sabay lukso sa bawa't upuan ang bayani.

 

Tawag ng 911, sigaw ni Carmine

Nagugulo daw ang sambayanan

Tigil ang lahat pati pag-awit ng salmo

Mabuti pa siya, naging instant hero.

 

Kapag baliw ang isang kano

Mentally challenged daw sabi nila

Pero isang salamin ng lipunang ligaw

Naghahanap, nangangarap.

 

 

 

 

Ika-4 ng Marso 2007

 

Fr Jun

 @ 2007 Diocese of