The Roman Catholic Diocese of

Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks

 

Ang Paglisan ni Sam

 

 

Tulad ng dati, laging may masasabi

Sa paglisan ni Sam sa mundong hiram

Kesyo hindi pa panahon, hindi pa dapat mawala

Ang lahat ay nababahala.

 

Bulaklak sa pinto ng apartment

Kandila sa tabi ng daan

May mga nagsasabi pa nga

Diyos ay walang pakialam.

 

Sino ba naman ang matutuwa

Kung may mahal na lilisan

Pero kung lahat pakikinggan

Mayayamot pati kaluluwa.

 

Nang lumisan si Pedro

Okay lang kasi hindi kadugo,

Nang nabundol si Michaela

Okay lang kasi Mehikana.

 

Kung ika'y palaisip

O kaya may prinsipyo

Sa puso masasabi mo

Buti ngang may terorismo.

 

At sila ay natatakot.

He-he-he.

 

 

Fr. Jun

 @ 2007 Diocese of