The Roman Catholic Diocese of

Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks

 

Sa Pagbukas ng Bibig

(Ang Dalawang Mahiwagang Padre)

 

Matandang Padre:

Apat sa sampung salita ay pagmumura

Matapos niyang magmisa

O kaya paghihinagpis sa maliit na kolekta

Maririnig sa pagbukas ng bibig.

 

Alalay na Padre:

O kaya trying hard na pa-slang

Para daw hindi katawa-tawa

Kasi daw hindi maiintindihan ang english mo

Sabi ng pilipinong gustong maging amo.

 

Sa pagbukas ng bibig ni padre

Ingat ka sa darating na bagyo

Di baleng masira kapwa pilipino

Basta siya ay maging bida.

 

Palalabasin pa nga niyang ika’y tanga

Kaya lagi niyang isasalin ang english mo

Kasi daw pangbaryo

At hindi pang amerikano.

 

Ginagaya pa nga si George Clooney

Singitan mo daw ng "pretty" bawa’t salita

Kaya ang “it is amazing, isn’t it?”

Dapat daw “it is pretty amazing, isn’t it?”

 

Super confident siya na dila niya ay pang-amerika

Pa-intellectual effect pa nga bokabularyong gamit niya

Mali-maling grammar, binisayang tono

Akala niya, ala-Clooney na, pero ala-Defensor baga.

 

Magugulat ka sa ingay niya

Lagi pa siyang nakanganga

Mga hungkag at mabulaklak na “how are you guys doing today?”

Hindi niya alam, pinagtatawanan siya.

 

Maalala mo mga kapatid sa malayong bansa

Wala ngang suweldo pero maamo

Tunay na alagad at disipulo

Nasa puso naman si Kristo.

 

  

Ika-8 ng Abril 2007

 
 

Fr. Jun

 @ 2007 Diocese of