![]() |
||
Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks |
||
ISANG MALAYONG NANDOON
Isang malayong nandoon Ang nais kong abutin Hindi ko alam kung ano Hindi ko alam kung paano.
Hindi maintindihan kung ano o sino Basta laging may hinahanap Parang isang pangarap Gustong makuha, gustong mahawakan.
Sabi ng ilan, guni-guni lang iyon Sabi ng iba, ambisyon Pero hindi, ako ay gising Basta isang malayong nandoon.
Minsan gustong umawit pero walang tinig Minsan gustong tumakbo pero walang lakas Hinahanap ang umaga Kapag malapit na ang gabi.
Parang may bara ang lalamunan Kapag nagsimulang magsalita Parang ligaw ang kaluluwa Sa gitna ng karamihan.
Basta isang malayong nandoon Hindi maintindihan kung ano o sino at paano.
5 Setyembre 2007 |
||||