![]() |
||
Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks |
||
May Belo si Agta
Kasi akala niya maitatago mukha niya Matapos awayin ang lektor kaninang umaga Kesyo mas mahusay daw siyang talaga Kung bakit di siya makuhang magbasa.
May belo si Agta, bibig ay patuloy sa pagmumura Naghihinagpis at walang kumikilala Reklamo kung walang heater noong winter Reklamo at mahina ang aircon ngayong summer.
Tuwing magsisimba araw-araw sa Our Lady of Pity Lahat ng imahen ng santo at santa Dadalawin niya, mag hehello daw siya Pagkatapos kakalabitin katabing blondie rin Pag-uusapan buhay ni ganito at ganoon.
Hindi lang sa atin maraming Agta Dito nagkalat din blondie lang ang buhok Maputi lang ang balat pero boses ay malat Gustong itago ang mukha sa pag-aalimura.
Mayo 28 |
||||