![]() |
||
Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks |
||
Diocese of Balanga
Bishop Celso Guevarra Formation Center
Calaguiman, Samal, Bataan 2113
MGA BATAYANG KURSO SA PAGHUHUBOG
Binubuo ito ng limang (5) modules ukol sa mga pangunahing nilalaman ng Pananampalatayang Katoliko. Nagsisilbi ito bilang pambungad sa lahat ng mga bukod-tanging kurso sa paghuhubog.
v MODULE I: KAGANAPAN NG BUHAY AT ANG TAWAG SA BUHAY KABANALAN
§ Isang module na nahahati sa 2 magka-ugnay na bahagi: Seminar sa Kaganapan ng Buhay at Kabuuan ng Tao at Ang Tawag sa Buhay Kabanalan.
§ Layunin ng seminar sa kaganapan ng buhay at kabuuan ng tao na tignan ang tao sa kanyang kabuuan upang sa pagkaunawa, pagtanggap, at pagmamahal sa kanyang sarili, ang nakikibahagi ay maging isang mabisang daluyan ng biyaya ng paglilingkod. Tatalakayin sa ikalawang bahagi ang Panalanging Ama naming, na lalakipan ng pagsisyasat sa iba’t ibang espirituwalidad at mga istilo sa pananalangin.
v MODULE II: ANG SUMASAMPALATAYA
§ Ito ang module ukol sa batayang nilalaman ng Pananampalatayang Katoliko.
§ Tatalakayin ang kahulugan ng gawang pagsampalataya, gayundin ang mga bukal ng Pananampalataya; habang binibigyang-diin naman ang pagmamahal na pagbubunyag ng Diyos at ang Kanyang panukalang kaligtasan para sa sangkatauhan.
v MODULE III: BATAYANG KRISTIYANONG MORALIDAD
§ Ito ang module ukol sa mga pangunahing nilalaman ng isa pang mahalagang mensaheng Kristyano, ang Kristaynong Moralidad.
§ Tatalakayin ang iba’t ibang nibel o antas ng Kristiyanong Moralidad.
§ Sisiyasatin din ang mahalagang ugnayan ng tao, kalayaan, at moralidad.
v MODULE IV: ANG MGA SAKRAMENTO
§ Ito ang module ukol sa Kristiyanong pang-unawa sa mga sakramento at ang pagdiriwang ng mga ito.
§ Layunin nitong pagnilayan ang mahahalagang dimensiyon ng mga sakramento.
§ Tatalakayin din ang mga sakramental at ang marapat nilang lugar sa Kristiyanong pansamba.
v MODULE V: PAMBUNGAD SA BANAL NA KASULATAN
§ Ito ang module ukol sa kahalagahan ng Banal na Kasulatan bilang isang sentro ng buhay ng Simbahan.
§ Tatalakayin ang pagbubunyag ng Diyos sa Banal na Kasulatan, gayundin ang kasaysayan ng kaligtasan na ipinapapahayag ng mga iba’t ibang mga sandali at pangyayaring nasusulat sa Biblia; ang kahulugan ng Inspirasyon; at ilang mga pamamaraan o metodo ng interpretasyon.
§ Pagtatapos sa isang seminar ukol sa pagsasagawa ng “Bible Study” sa maliliit o malalaking pamayanang Kristiyano.
Requirements for Admission:
1. Between 25 – 60 years old.
2. Articulate and has the capacity for public speaking.
3. Get a recommendation letter from the parish priest.
Kalendaryo:
MODULE I: (Samal): Nov. 8, 10, 15, 17, 22, 24
MODULE II: (Orion): Nov. 7, 9, 11, 14, 16, 18, 21, 23, 25
MODULE III:(Dinalupihan): Nov. 21, 23, 25, 28, 30, Dec. 2, 5, 7, 9
MODULE IV:(BEZ): Nov. 8, 10, 15, 17, 22, 24
MODULE V: (Balanga City): Nov. 8, 10, 15, 17, 22, 24
Contact Information:
Ms. Beth de Guzman
BCGF
Calaguiman, Samal, Bataan
Landline : (047) 451-2138
Handyphone (0919) 4610978
E-Mail palad@balangadiocese.com
FR. ARNEL C. TAKATA
Acting Director
St. Joseph Cathedral Parish
City of Balanga, Bataan
Tel. No. 047-2373226
"Bilang tugon sa hamon ng kabayanihan at kabanalan para sa ating panahon, at tanda ng aming pagkilala at pagpapahalaga sa tungkulin ng layko sa pagpapanibago ng Simbahan at lipunan,... itinatatag at pinasisinayaan sa araw na ito ang PALAD.”
- Bp Soc