![]() |
||
Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks |
||
TUKSO...
UNANG LINGGO NG KUWARESMA
Siguro mahihirapan tayong makita ang mukha ni Satanas kung hahanapin natin siya bilang isang hiwalay na nilikha. Pero kung titingnan natin ang ating sarili sa salamin, makikilala natin ang mukha ni Satanas. May gel pala siya. May brace pala siya. May make-up pala siya... sa maikling salita – kamukha pala natin si satanas. O siguro ang angkop ng salita ay – nakatira pala siya sa atin.
Kapag niyakap mo ang tukso, niyakap mo si satanas. Sabay sa pagyakap mo ay ang pagnanasa mong patirahin siya sa katawan mo, sa puso mo sa buong pagkatao mo. Hindi na natin kailangang hanapin pa ang mukha niya na para bagang nakakatakot kasi ang mukha natin at ang mukha niya ay iisa na lang. Madalas sabihin nating “sapagka’t kami ay tao lamang” kaya tayo ay natukso. Pero sa katunayan, nilikha tayong kawangis ng Diyos. Kung ganoon, nilikha tayong singtibay ng Diyos na kayang labanan at daigin ang tukso, kayang daigin si satanas. Ginusto nating magpatukso kaya tayo natukso. Ang dapat nating sabihin ay, “sapagka’t kami ay tao lamang, kaya kayang kaya naming labanan ang mga tukso.
Sa panahon ng kuwaresma, suriin natin ang ating sarili. Sino ba ang pinatutuloy natin sa puso natin? Si satanas o ang Diyos? Kung gusto mo ring makita ang mukha ng Diyos, hiwag ka nang tumingin sa malayo. Pumunta ka sa salamin, malalaman mong ang Diyos pala ay may lipstick, may make-up, may gel, may braces din, kasi oras na niyakap natin Siya, kamukha natin Siya sapagka’t mananahan din Siya sa katawan natin.
Ang panahon ng kuwaresma ay panahon para tingnan kung sino ang kamukha natin.