The Roman Catholic Diocese of

Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks

 

ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon

 

SINO DAW?

 

Sino daw si Hesus?  Tanong sa mga alagad, tanong din sa atin...

 

Sabi kasi ni Sister, siya raw iyong namatay sa krus.  Siya rin iyong ipinanganak sa sabsaban.  Siya rin iyong hinanap ng mga magulang noong bata pa siya, nagparami ng tinapay, naglakad sa tubig, iniwan ng mga kaibigan, nagpasan ng krus, hanggang sa siya ay namatay.  Nguni't sa ikatlong araw, muling nabuhay.  At kung anu-ano pa.

 

Sabi rin ni Father, siya iyong nagtatag ng Huling Hapunan, na hanggang ngayon ay ating pinagsasaluhan.  Siya rin iyong nagtawag ng mga alagad upang maging kaibigan niya sa pagpapalaganap ng kaharian ng Diyos, siya rin iyong nagpaliwanag kung ano ang kahulugan ng maging alagad ng Diyos, pagpapaliwanag na kasabay ng pagsasabuhay nito.  Siya rin iyong nagpakilala sa atin kung paano mag-alay ng buhay para sa kaibiagn.

 

E, ano ngayon?  Ngayong alam na nating lahat ito, simula pa sa Katesismo noong bata pa tayo. Simula noong panahon na marami pang gumagalang sa matatanda, nagmamahal sa mga pari, nag-uunahan magpa-upo ng matanda sa bus, nakabelong nangasisimba... noon pa ito di ba?  E ano ngayon kung alam na natin itong lahat.... Nang makilala mo ba si Hesus, nagbago ang buhay mo?  Nang makilala mo ba si Hesus ay iniwan mo na ang pagiging lasenggo at sinunggaling?  Nang makilala mo ba si Hesus, nagbago ang direksiyon ng buhay mo?

 

 Ang hinahanap ni Hesus na sagot ay hindi iyong mga de-kahon at naka-kwadrong kasagutan na na minsan ay parang display ng mga larawan.  Ang hinahanap na sagot ni Hesus ay isang simpleng pagtanggap na - noong nakilala mo Siya, nagdeklara ka ng digmaan laban sa kasalanan at magulong buhay, at nagpasya kang sundan Siya, ano man ang kahahantungan nito.

 

Fr. Jun

 @ 2007 Diocese of