The Roman Catholic Diocese of

Home BishopStude SundayMassMP3 FromthePriests Directory Offices Schools NewsArchives Gallery BalangaRocks

ANG PAGBABAGONG-ANYO

Ika-2 Linggo ng Kuwaresma

 

           Bigla lang pumasok sa isip ko ung litratistang nakilala ko dito  sa parokya.  Marami siyang  litrato ng iba’t ibang mukha ng bata – may masaya, may umiiyak, may kumakain, meron pa ngang habang pinapalo ng nanay niya.  Isang araw, may bata daw siyang nakuhanan ng litrato na duguan ang mga paa.  Ang tanong ng ilan ay alin ba ang nauna – ung pagkuha niya ng litrato o ang pagtulong niya sa bata?  Nakalulungkot malaman na hindi man niya natulungan kasi abala siya sa pagkuha ng iba’t ibang anggulo ng bata – ang mukhang may guhit ng sakit, ang matang mayaman sa luha, ang maliliit na paang maraming dugo, ang punit-punit na damit – hindi na yata niya nalaman na ang bata ay nakagat ng aso at nagpagulong-gulong sa lupa para lang matakasan ang aso.

 

          Ito ang tukso sa mga alagad ni Hesus – tulog sila sa katotohanan – kaya hindi nila naunawaan ang pagbabagong-anyo ni Hesus.  Gusto nilang gawing kuwadro ang karanasan – dito na lang tayo sa karanasang ito na feeling good kasi mas okay ito.  Dito na lang tayo sa karanasang ito kasi walang problema.  Dito na lang ako sa iba’t ibang anggulo ng batang duguan kasi wala pang litratong ganito... ang tukso ng modernong tao ay pahalagahan ang resulta hindi ang proseso, ang pahalagahan ang mga dapat at di dapat kaysa masasagasaan ang damdamin at mga tao...  Ang isang kahulugan ng pagbabagong-anyo ay upang makita natin ang isang mas malawak na katotohanan:  kinalulugdan ng Diyos ang bawa’t isang nagbabago, nagsisisi, nagbabalik-loob, umuuwi sa tahanan ng Ama.  Hindi nakakahong Katoliko.   Kapag nakafocus tayo sa mga dating kinauugalian natin, kapag hindi na natin nakikita ang pag-asang dala ng bagong umaga, kapag lagi na lang nating ikinakahon ang nakaraan at pilit na ipinapasok ito sa ngayon, hindi rin natin makikita na ang bata pala ay duguan at kailangan ang tulong, si ganito at ganoon pala ay nagbago rin kaya kailangang magsimula ulit kami sa aming relasyon, si Hesus pala ay hindi lamang pangSanto Niņo na isinasayaw kundi may Hesus sa krus na lumaki at nagpakahirap para sa atin...

 

          Ang Kuwaresma ay pagbabago ng focus sa buhay natin.  Kung hindi natin makita ang pagbabagong-anyo ng kapuwa, ipakita natin ito sa ating sarili.  Mas maganda ang mundo kung nasa mata tayo ng Panginoon. 

Fr. Jun

 @ 2007 Diocese of